NR No. 25-12
Contact: Loree Levy/Greg Lawson
916-654-9029
mediainquiries@edd.ca.gov
Pinalawig ang Paghahain ng Dokumentasyon Hanggang 90 Araw
Ang Kailangan Mong Malaman: Ang mga manggagawa, may-ari ng negosyo, at mga self-employed na tao sa Los Angeles County na naapektuhan ng mga sunog sa California ay mayroon na lamang hanggang Martes, Hunyo 10, 2025, upang mag-aplay para sa federal Disaster Unemployment Assistance (DUA). Ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon upang patunayan na ang aplikante ay nagtatrabaho o self-employed noong naganap ang sakuna ay dapat isumite sa loob ng 90 araw mula sa petsa ng pagpapadala ng kanilang abiso na nagsasaad na kinakailangan ang suportang dokumento.
SACRAMENTO — Ipinagpaliban ang huling araw para sa mga manggagawa sa Los Angeles (LA) County na apektado ng mga sunog sa California upang mag-aplay para sa federal na Disaster Unemployment Assistance (DUA).
Ang bagong huling araw para mag-aplay para sa DUA ay Martes, Hunyo 10, 2025 – mula sa orihinal na deadline na Marso 10. Ang Employment Development Department (EDD), na nangangalaga sa mga aplikasyon para sa DUA, ay nakatanggap ng abiso mula sa Federal Emergency Management Agency (FEMA) na pinagtibay ng U.S. Department of Labor ang extension ng aplikasyon pati na rin ang pagpapalawig ng 90 araw para sa pagsusumite ng dokumentasyon.
Ang lahat ng kinakailangang dokumentasyon ay dapat isumite sa loob ng 90 araw mula sa petsa na nakalista sa ipinadalang abiso na nagsasaad na kinakailangan ang isang dokumento ng suporta. Ang kinakailangang dokumentasyon ay kinabibilangan ng pinakabagong pederal na porma ng buwis sa kita, mga tseke, o iba pang dokumentasyon upang suportahan na ang aplikante ay nagtatrabaho o nagnenegosyo nang maganap ang sakuna. Ang dokumentasyon para sa mga self-employed ay maaaring makuha mula sa mga bangko, mga ahensya ng gobyerno, o mga affidavit mula sa mga indibidwal na may kaalaman tungkol sa kanilang negosyo.
Ang mga manggagawa na nag-aplay na para sa DUA, ngunit hindi pa nakapagsumite ng kanilang dokumentasyon ay magkakaroon na ngayon ng 90 araw upang isumite ang kanilang dokumentasyon sa halip na 21 araw na unang ibinigay. Isang paalala ang ipapadala sa mga indibidwal na ito, na nagpapaalam sa kanila na hindi pa natatanggap ng EDD ang kanilang dokumentasyon.
Ang DUA ay para sa mga manggagawa—tulad ng mga self-employed na tao—na hindi kwalipikado para sa regular na benepisyo ng kawalan ng trabaho at nawalan ng trabaho o nabawasan ang oras ng trabaho dahil sa sakuna. Ang mga aplikasyon na isusumite pagkatapos ng Hunyo 10 ay maaaring tanggapin kung ang aplikante ay may magandang dahilan upang magsumite ng late na aplikasyon.
Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para mag-aplay ng benepisyo ay sa pamamagitan ng myEDD,, at piliin ang UI Online, na magagamit sa Ingles, Espanyol, Armenian, Simplified Chinese, Traditional Chinese, Koreano, Tagalog, at Vietnamese. Kapag nag-aaplay online, hinihikayat ang mga manggagawa na piliin ang direct depositupang ang mga benepisyo ay awtomatikong mailipat sa kanilang personal na bank account kaysa sa pagtanggap ng debit card o tseke sa koreo.
Dapat lagyan ng tsek ng mga naapektuhang manggagawa ang kahon sa aplikasyon para sa benepisyo ng kawalan ng trabaho na nagtatanong kung ang kanilang kawalan ng trabaho ay direktang resulta ng isang kamakailang sakuna.
Ang mga benepisyo ng DUA ay ay nalalapat sa mga pagkalugi simula sa linggo ng Enero 12, 2025. Ang mga kwalipikadong full-time na manggagawa ay maaaring makatanggap ng mula $186 hanggang $450 bawat linggo para sa hanggang 26 na linggo. Ang mga part-time na manggagawa ay maaari ding magkwalipika para sa mga benepisyo. Ang mga kwalipikadong indibidwal na nawalan ng trabaho noong Enero 12, 2025, ay maaaring humiling na magsimula ang kanilang aplikasyon mula sa petsang iyon, kahit na mag-aplay sila pagkatapos ng Enero 12. Ang huling linggong maaaring bayaran ng benepisyong pang-emergency na ito ay nagtatapos sa Hulyo 12, 2025.
Ang EDD ay dapat munang suruin kung ang aplikante ay karapat-dapat sa regular na benepisyo ng kawalan ng trabaho bago iproseso ang aplikasyon para sa mga benepisyo ng DUA. Bilang bahagi ng prosesong ito, maaaring makatanggap ang mga aplikante ng isang liham na nagsasaad na hindi sila kwalipikado para sa regular na kawalan ng trabaho habang ipinoproseso ng EDD ang kanilang DUA na kahilingan. Lahat ng apektadong manggagawa ay dapat mag-aplay para sa mga benepisyo, at tutukuyin ng EDD kung ang DUA o regular na estado ng kawalan ng trabaho ang naaangkop.
May mga nakalaang linya ng telepono ang EDD para sa mga manggagawang naapektuhan ng mga sunog na may mga katanungan tungkol sa mga benepisyo ng kawalan ng trabaho o nangangailangan ng tulong sa pag-aaplay para sa DUA:
- Ingles: 1-833-998-2284
- Espanyol: 1-855-964-0634
- Iba pang mga wika: 1-800-300-5616
Ang mga kinatawan ay available mula 8 a.m. hanggang 5 p.m. (Pacific time), Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga holiday ng estado ng California.
Ang mga kinatawan ng EDD ay available din upang magbigay ng tulong nang personal sa mga Disaster Recovery Centers (DRC’s) at sa mga lokal na lokasyon ng America’s Job Center of California.
Tinutukoy ng FEMA na ang mga tao sa Los Angeles County na nawalan ng trabaho o self-employment bilang direktang resulta ng sakuna ay maaaring mag-aplay para sa mga benepisyo ng federal DUA. Ang pagkakaroon ng DUA ay sumusunod sa isang Presidential Major Disaster Declaration (FEMA-4856-DR) na inilabas noong Enero 8, 2025.
Ang EDD ang namamahala sa federal disaster-benefits program sa California para sa U.S. Department of Labor, Employment & Training Administration sa ngalan ng FEMA.