Print

Ang Tulong sa Kawalan ng Trabaho Dahil sa Sakuna (DUA) ay Magagamit na Ngayon para sa mga Manggagawa sa Los Angeles County na Apektado ng mga Sunog sa California at Malalakas na Hangin

Published:

NR No. 25-04
Contact: Loree Levy/Greg Lawson
916-654-9029
mediainquiries@edd.ca.gov

Ang Kailangan Mong Malaman: Bilang tugon sa mga wildfires at windstorms, ang pederal na Disaster Unemployment Assistance (DUA) ay magagamit na ngayon para sa mga manggagawa at mga self-employed na hindi kwalipikado para sa regular na benepisyo ng kawalan ng trabaho. Ang mga claims para sa benepisyo ng DUA ay dapat isumite bago Marso 10, 2025.

SACRAMENTO – Ang mga manggagawa sa County ng Los Angeles na naapektuhan ng matinding sunog at hangin ay maaari na ngayong mag-aplay para sa federal Disaster Unemployment Assistance (DUA), o mga regular na benepisyo sa kawalan ng trabaho. Ang Employment Development Department (EDD) ang namamahala sa mga benepisyong ito. Ang DUA ay para sa mga manggagawa—tulad ng mga self-employed na tao, na hindi kwalipikado para sa regular na benepisyo ng kawalan ng trabaho at nawalan ng trabaho o nabawasan ang oras ng trabaho dahil sa sakuna.

Ang Federal Emergency Management Agency (FEMA) ay nagpasiya na ang mga tao sa Los Angeles County na nawalan ng trabaho o self -employement bilang direktang resulta ng sakuna ay maaari na ngayon mag-aplay para sa mga benepisyo ng federal DUA . Ang bagong DUA availability ay sumusunod sa isang presidential Major Disaster Declaration (FEMA-4856-DR) na inilabas noong Enero 8, 2025.

Bilang karagdagan, si Gobernador Gavin Newsom ay nagpahayag ng isang estado ng emerhensiya sa County ng Los Angeles at naglabas ng isang executive order na sumusuporta sa mga komunidad na apektado ng patuloy na sunog at tinatalikuran ang isang linggong panahon ng paghihintay para sa mga apektadong manggagawa na kwalipikado para sa regular na mga benepisyo sa kawalan ng trabaho. Pinapayagan din ng kautusan ng Gobernador ang mga employer na humiling ng hanggang 60-araw na extension upang magsumite ng mga ulat sa payroll ng estado o magdeposito ng mga buwis sa payroll.

Ang mga benepisyo ng DUA ay naaangkop sa mga pagkalugi simula sa linggo ng Enero 12, 2025. Ang mga kwalipikadong full-time na manggagawa ay maaaring makatanggap ng pagitan ng $186 at $450 bawat linggo, hanggang sa 26 na linggo. Maaaring maging karapat-dapat din ang mga part-time na manggagawa para sa mga benepisyo. Ang mga karapat-dapat na indibidwal na walang trabaho noong Enero 12 ay maaaring humiling na simulan ang kanilang aplikasyon sa petsang iyon, kahit na mag-apply sila pagkatapos ng Enero 12. Ang huling linggong maaaring bayaran ng benepisyong ito ay magtatapos sa Hulyo 12, 2025.

Ang mga benepisyo ng DUA ay tumutulong sa mga taong naapektuhan ng isang pederal na idineklarang sakuna na hindi kwalipikado para sa regular na benepisyo ng kawalan ng trabaho at nakakatugon sa alinman sa mga sumusunod na pamantayan:

  • Nagtrabaho, o naging may-ari ng negosyo o nagtatrabaho sa sarili, o nakatakdang magsimula ng trabaho o magtayo ng sariling negosyo, sa lugar ng sakuna. Kabilang dito, at hindi limitado sa mga nasa industriya ng agrikultura at pangingisda.
  • Hindi makapunta sa kanilang lugar ng trabaho dahil sa sakuna o hindi na makapagtrabaho o makapagbigay ng serbisyo dahil sa pisikal na pinsala o pagkasira sa kanilang lugar ng trabaho bilang direktang resulta ng sakuna.
  • Hindi makapagsagawa ng trabaho o self-employment dahil sa pinsala na direktang dulot ng sakuna.
  • Naging pinuno ng kanilang sambahayan dahil sa pagkamatay na dulot ng sakuna.
  • Ang trabaho o self-employment na hindi na nila magawa ay dapat na naging pangunahing pinagkukunan ng kanilang kita.

Dapat lagyan ng tsek ng mga apektadong manggagawa ang kahon sa aplikasyon na nagtatanong kung ang kanilang kawalan ng trabaho ay direktang resulta ng isang kamakailang sakuna. Dapat munang suruin ng EDD kung ang aplikante ay karapat-dapat para sa regular na benepisyo ng kawalan ng trabaho bago iproseso ang kahilingan para sa mga benepisyo ng DUA. Bilang bahagi ng prosesong ito, maaaring makatanggap ang mga aplikante ng liham na nagsasaad na hindi sila kwalipikado para sa regular na kawalan ng trabaho habang ginagawa ng EDD na iproseso ang kanilang claim sa DUA. Ang lahat ng mga apektadong manggagawa ay dapat mag-aplay para sa mga benepisyo, at tutukuyin ng EDD kung ang DUA o regular na estado ng kawalan ng trabaho ang naaangkop.

25_24_tagalog.jpg

Ang mga claims sa benepisyo ng DUA ay dapat isumite bago Marso 10, 2025, maliban kung ang indibidwal ay may magandang dahilan upang magpasa ng huling aplikasyon.

Ang lahat ng kinakailangang dokumenstasyon ay dapat isumite sa loob ng 21 araw mula sa araw na na-file ang aplikasyon para sa DUA. Ang kinakailangang dokumentasyon ay kinabibilangan ng pinakabagong pederal na porma ng buwis sa kita o mga tseke, o iba pang dokumentasyon upang patunayan na ang aplikante ay nagtatrabaho o sel employed nang maganap ang sakuna. Ang dokumentasyon para sa mga self-employed ay maaaring makuha mula sa mga bangko, mga ahensya ng gobyerno, o mga salaysay mula sa mga indibidwal na may kaalaman tungkol sa kanilang negosyo.

Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan upang mag-aplay para sa mga benepisyo ay sa pamamagitan ng myEDD, at pagkatapos ay piliin ang UIOnline , na available sa Ingles, Espanyol, Armenian,Simplified Chinese,Traditional Chinese, Koreano, Tagalog, at Vietnamese. Kapag nagsusumite ng aplikasyon online, piliin ang direktang deposito upang ang mga bayad sa benepisyo ay awtomatikong mailagay sa isang personal na bank account, sa halip na sa pamamagitan ng ipinadalang debit card o tseke.

Ang mga kinatawan ng EDD ay available upang tumulong nang personal sa mga Local Assisstance Centers, na kilala bilang Disaster Recovery Centers sa panahon ng emerhensiya.

Magbubukas ang mga Disaster Recovery Centers sa Martes, Enero 14, 2025.

Pasadena City College
Community Education Center
3035 E. Foothill Blvd.
Pasadena, CA 91107

UCLA Research Park West
10850 W Pico Blvd.
Los Angeles, CA 90064

Para sa karagdagang detalye, kabilang ang mga oras ng operasyon, bisitahin ang California Governor’s Office of Emergency Services (Cal OES) News.

Maaari ring mag-apply ang mga tao sa telepono mula 8 a.m. hanggang 5:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes maliban sa mga holidays:

  • Ingles at Espanyol:1-800-300-5616
  • Armenian: 1-855-528-1518
  • Cantonese: 1-800-547-3506
  • Koreano: 1-844-660-0877
  • Mandarin: 1-866-303-0706
  • Tagalog: 1-866-395-1513
  • Vietnamese: 1-800-547-2058
  • Lahat ng Ibang Wika: 1-800-300-5616. Ang mga serbisyo ng interpreter ay magagamit nang walang bayad.
  • TTY: 1-800-815-9387

Ang webpage ng Disaster-Related Services ng EDD ay naglalaman ng higit pang impormasyon para sa mga indibidwal na naapektuhan ng mga sakuna. Maaaring bisitahin ng mga employers ang Emergency and Disaster Assistance for Employers o tumawag sa EDD’s Taxpayer Assistance Center sa 1-888-745-3886 para sa impormasyon tungkol sa pag-uulat o pagpapalawig ng pag-file ng buwis.

Maaaring makahanap ang mga naghahanap ng trabaho ng pinakamalapit na lokasyon ng America’s Job Center of CaliforniaSM para sa access sa mga mapagkukunan ng paghahanap ng trabaho, mga programa sa pagsasanay, at iba pa.

Para malaman ang higit pa tungkol sa mga aktibong emerhensiya, bisitahin ang ready.ca.gov.

Ang EDD ang namamahala sa pederal na programa ng benepisyo sa sakuna sa California para sa U.S. Department of Labor, Employment & Training Administration, sa ngalan ng FEMA.