Mga Resource ng EDD sa Tagalog

English

Ipinapangako namin ang pagbibigay ng mahalagang impormasyon sa mga nangangailangan ng mga serbisyo at impormasyon ng EDD. Nasa ibaba ang isang listahan ng mga form, publication, at iba pang mahalagang resource ng EDD na nakasalin sa Tagalog.

Para sa mga tanong at higit pang impormasyon tungkol sa aming mga serbisyo, makipag-ugnayan sa programa at humiling ng interpreter ng Tagalog, nang libre para sa iyo.

Posibleng kailanganin mong i-download ang libreng Adobe Reader (English lang) para tingnan at i-print ang mga naka-link na dokumento.

Atensyon: Ang mga form at publikasyon sa webpage na ito ay maaaring maglaman ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan, benepisyo, o mga aksyon na kailangan mong gawin. Para sa tulong sa iyong wika, nang libre, pumili ng isa sa mga sumusunod na programa ng benepisyo at serbisyo:

Insurance sa Kawalan ng Trabaho

Ang Insurance sa Kawalan ng Trabaho ay isang programang pinopondohan ng mga employer. Nagbibigay ang programa ng mga panandaliang benepisyong pagbabayad sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho o nabawasan ang oras nang hindi sila ang may kasalanan. Para matuto pa tungkol sa kawalan ng trabaho, bisitahin ang
Maghain para sa Kawalan ng Trabaho – Pangkalahatang-ideya (English lang).

Tandaan: Kung mag-a-apply ka para sa kawalan ng trabaho, sabihin sa amin ang iyong gustong wika sa pagsasalita at pagsusulat. Itatala namin ito para makapagbigay kami ng epektibong tulong sa wika nang libre.

Makakakita ka rito ng mga dokumentong nakasalin sa Tagalog. Para makita ang mga dokumentong available sa ibang wika, bisitahin ang
Insurance sa Kawalan ng Trabaho – Mga Form at Publication (English lang).

Mga Fill-In Form

Liham ng mga Sagot sa Seguro sa Pagkawala ng Trabaho (DE120Z/T)

Paunawa ng Pederal na Tulong sa Pagkawala ng Trabaho sa Panahon ng Sakuna (DUA) (DE429DUA/T)

Form ng Apela ng Departamento sa Pag-unlad ng Trabaho (DE 1000M/T)
Ang DE 1000M ay puwedeng gamitin ng mga claimant at employer para iapela ang isang pasya sa pagiging kwalipikadong ibinigay ng Departamento.

Form ng Reklamo ukol sa Diskriminasyon (DE8498/T)

Mga Sample na Form para sa Pag-view Lang

Abiso ng Pagbibigay ng Insurance sa Kawalan ng Trabaho (DE 429Z/T)
Nagbibigay sa mga claimant ng partikular na impormasyon sa halaga at pagiging kwalipikado tungkol sa kanilang claim.

Abiso ng Pagpapasya at/o Paghahatol (DE 1080CZ/T)
Ipinapadala sa mga employer at/o claimant. May impormasyon tungkol sa pagiging kwalipikado ng claimant para sa mga benepisyo.

Abiso ng Pagpapasya (DE 1080MON/T)
Ipinapadala sa mga claimant para abisuhan sila tungkol sa hindi nila pagkwalipika para sa mga benepisyo at impormasyon sa insurance sa kawalan ng trabaho tungkol sa kanilang mga karapatan sa pag-apela.

Abiso ng Paghain ng Claim sa Insurance sa Kawalan ng Trabaho (Claimant) (DE 1101CLMT/T)
Nagbibigay sa mga claimant ng kopya ng kanilang impormasyon sa claim ayon sa pagkakaproseso ng Departamento. Pinapayuhan din ng abisong ito ang mga claimant tungkol sa kanilang karapatan na iwasto ang mga pagkakamali at/o omisyon, at mga tagubilin kung paano makipag-ugnayan sa Departamento.

Aplikasyon sa Insurance sa Kawalan ng Trabaho (DE 1101I/T)
Ito ay isang sample na aplikasyon para sa mga benepisyo sa UI para tulungan ang mga claimant na Tagalog ang gustong wika. Puwede lang i-print at sagutan ang DE 1101I sa English o Spanish, at posibleng i-fax o ipadala sa EDD para maghain ng mga benepisyo sa kawalan ng trabaho. Makikita mo ang aplikasyon sa English o Spanish sa pamamagitan ng pagbisita sa
Insurance sa Kawalan ng Trabaho – Mga Form at Publication (English lang).

Aplikasyon sa Insurance sa Kawalan ng Trabaho para sa Tulong sa Kawalan ng Trabaho sa Panahon ng Sakuna (Disaster Unemployment Assistance, DUA) (DE 1101ID/T)
Ito ay isang sample na aplikasyon para sa mga benepisyo sa UI para tulungan ang mga claimant na Tagalog ang gustong wika. Kasama sa aplikasyong ito ang karagdagang form para sa Tulong sa Kawalan ng Trabaho sa Panahon ng Sakuna (DUA) kung wala kang trabaho o pansamantalang walang trabaho dahil sa isang sakuna. Puwede lang i-print at sagutan ang DE 1101ID sa English o Spanish, at posibleng i-fax o ipadala sa EDD para maghain ng mga benepisyo sa kawalan ng trabaho. Makikita mo ang aplikasyon sa English o Spanish sa pamamagitan ng pagbisita sa
Insurance sa Kawalan ng Trabaho – Mga Form at Publication (English lang).

PAUNAWA NG PAGHAIN NG CLAIM PARA SA SEGURO SA PAGKAWALA NG TRABAHO (DE1101ER/T)

Paunawa ng Appointment (DE1106Z/T)

Kahilingan ng Impormasyon para sa Paggawad ng Back Pay (Natagalang Kabayaran) (DE1200/T)

Kahilingan para sa Pag-verify ng Pagkakakilanlan (DE 1326C/T)
Abisong nagpapayo sa claimant na hindi na-verify ng Departamento ang kanyang pagkakakilanlan at dapat siyang magbigay ng nakapagpapakilalang dokumento.

Mga Tinatanggap na Dokumento para sa Pag-verify ng Pagkakakilanlan (DE 1326CD/T)
Listahan ng mga dokumentong tinatanggap para sa pag-verify ng pagkakakilanlan.

Abiso ng Potensyal na Labis na Pagbabayad (DE 1447/T)
Ipinapadala sa mga claimant. May impormasyon tungkol sa potensyal na labis na pagbabayad kung saan posibleng sumobra ang naibayad na mga benepisyo ng UI sa claimant.

Paunawa ng Potensyal na Pagbabayad Nang Labis at Parusa sa Pagbibigay ng Hindi Totoong Pahayag (DE1447CO-BZ/T)

Paunawa ng Potensyal na Pagbabayad Nang Labis at Parusa sa Pagbibigay ng Hindi Totoong Pahayag (DE1447CO-AZ/T)

Paunawa ng Pagtanggi ng mga Benepisyo at Labis na Pagbabayad (DE1480Z/T)

Paunawa ng mga Nabawasang Kita (DE2063/T)

Form sa Patuloy na Claim (DE 4581CTO/T)
Sample ito ng Form sa Patuloy na Claim para tulungan ang mga claimant sa pagpapa-certify para sa Mga Benepisyo sa UI. Sample lang ito at hindi puwedeng i-print at ipadala sa EDD. Makipag-ugnayan sa EDD (English lang) Kung kailangan mo ng isa pang form na ibinigay sa iyo para magpa-certify para sa mga benepisyo sa UI.

Abiso ng Interview sa Pagiging Kwalipikado sa Mga Benepisyo sa Kawalan ng Trabaho (DE 4800/T)
Isang abisong ipinapadala sa mga claimant kung saan nakasaad ang petsa at oras ng kanilang interview sa telepono hinggil sa kanilang pagiging kwalipikado para sa mga benepisyo sa insurance sa kawalan ng trabaho.

Paunawa ng Kondisyonal na Pagbabayad Habang Nakabinbin ang Pagrerepaso sa Pagiging Karapat-dapat (DE5400E/T)

IBINALIK NA EDD DEBIT CARD (DE5613/T)

Customer Account Number (DE 5614/T) ng Departamento sa Pag-unlad ng Pagtatrabaho (EDD)

PAUNAWA NG APELA AT PAGPAPADALA NG INAPELANG PAGPAPASYA (DE 6315/T)

Paunawa ng Karapatang Tumanggap ng mga Benepisyong Unemployment Insurance (Seguro sa Pagkawala ng Trabaho) Habang Nakabinbin Ang Apela (DE6315CC/T)

Paunawa ng Pagpapasya para sa Tulong sa Pagkawala ng Trabaho sa Panahon ng Sakuna (DE8598DUA-D/T)

Abiso ng Pag-aatas para Magparehistro para sa Trabaho (DE 8405/T)
Pinapayuhan ang mga claimant ng insurance sa kawalan ng trabaho na kailangan nilang magparehistro para sa trabaho gamit ang CalJOBSSM sa loob ng 21 araw.

Mga Benepisyo sa Insurance sa Kawalan ng Trabaho: Ang Dapat Mong Malaman (DE 1275B/T)
Tumutulong ang mga claimant na maunawaan ang mga ipinag-aatas sa pagiging kwalipikado na dapat matugunan para makatanggap ng mga benepisyo ng UI.

Para sa Iyong Benepisyo: Mga Programa ng California para sa Walang Trabaho (DE 2320/T)
Inilalarawan ang mga serbisyo ng EDD at ibinibigay ng mga employer sa mga indibidwal.

Insurance sa Kawalan ng Trabaho: Maghain ng Mga Claim, Impormasyon sa Pagbabayad, Pangkalahatang Impormasyon (DE 2320M/T)
Paano maghain o muling magbukas ng claim sa insurance sa kawalan ng trabaho, makatanggap ng bayad o pangkalahatang impormasyon sa claim, at iba pang available na resource sa America’s Job Center of California. 

Mga Tip para sa Pagkwalipika para sa Mga Benepisyo sa Pagsasanay sa California (DE 2332/T)
Isang mabilisang pangkalahatang-ideya ng pagiging kwalipikado at proseso ng pag-apruba sa Mga Benepisyo sa Pagsasanay sa California (California Training Benefits, CTB).

Paano Mag-set Up ng UI OnlineSM Account (DE 2338H/T)

Mga Fact Sheet

Programa sa Mga Benepisyo sa Pagsasanay sa California (DE 8714U/T)
Isang pang-impormasyong sheet, o “EDD Fact Sheet” na nagbibigay ng mga detalye tungkol sa programang Mga Benepisyo sa Pagsasanay sa California (CTB).

Mahalaga: Ang UI OnlineSM (English lang) pa rin ang pinakamabilis na paraan para ihain ang iyong claim sa UI. Puwede ka ring magtanong tungkol sa iyong claim gamit ang UI Online sa pamamagitan ng pagpili sa Makipag-ugnayan sa Amin sa itaas ng iyong homepage.

Tandaan: Kung nakakatanggap ka ng tawag sa telepono mula sa EDD, puwedeng ipakita ng iyong caller ID ang “St of CA EDD” o ang numero ng Serbisyo ng Customer ng UI na 1-800-300-5616.

Serbisyo sa Customer ng UI

Makatanggap ng tulong sa paghahain ng claim sa pamamagitan ng telepono, pangkalahatang tanong sa UI, at teknikal na tulong sa pag-register online, mga pag-reset ng password, at mga EDD Account Number.

Mga oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m. (Pacific time), Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga holiday ng estado (English lang).

Numero ng telepono:

  • Tagalog: 1-866-395-1513
  • English: 1-800-300-5616. Para makipag-usap sa isang interpreter para sa Tagalog, humiling sa kinatawan sa iyong tawag.
  • California Relay Service (711): Ibigay ang numero ng UI (1-800-300-5616) sa operator
  • TTY: 1-800-815-9387

Automated na Linya sa Self-Service ng UI

Makakuha ng impormasyon tungkol sa kung paano maghain ng bagong claim o magbukas ulit ng dating claim at huling bayad na ibinigay sa iyo. Puwede ka ring magpa-certify para sa mga benepisyo gamit ang EDD Tele-CertSM, humiling ng mga kopya ng iyong 1099G na impormasyon sa buwis, at hanapin ang iyong lokal na America’s Job Center of California.

Mga oras: 24 na oras kada araw, pitong araw kada linggo.

Numero ng telepono: 1-866-333-4606 (English).

Insurance sa Kapansanan

Ang Insurance sa Kapansanan (Disability Insurance, DI) ay isang programang pinopondohan ng mga kaltas mula sa sahod ng mga empleyado. Nagbibigay ang programa ng mga benepisyong bayad sa mga manggagawa na nawalan ng sahod noong hindi sila nakapagtrabaho dahil sa isang karamdamang hindi nauugnay sa trabaho, pinsala, o pagbubuntis. Para matuto pa, bisitahin ang Tungkol sa Insurance sa Kapansanan (English lang).

Makakakita ka rito ng mga dokumentong nakasali sa Tagalog. Para makita ang mga dokumentong available sa ibang wika, bisitahin ang Insurance sa Kapansanan – Mga Form at Publication (English lang).

Abiso sa Mga Empleyado (DE 1857A/T)

Mga Probisyon sa Insurance sa Kapansanan (DE 2515/T)

Para mag-order ng mga form, pakigamit ang page na Mga Online na Form at Publication  (English lang).

Fact Sheet (DE 8714C/T)

Programa sa Insurance sa Kapansanan

Para sa higit pang impormasyon at para sa isang listing ng mga lokasyon ng opisina, bisitahin ang Mga Lokasyon ng Opisina ng Insurance para sa Kapansanan ng Estado (State Disability Insurance Office Locations) (English lang).

Para makipag-ugnayan sa isang kinatawan ng DI, gamitin ang Automated na System sa Impormasyon sa Telepono ng DI (English lang):

  • Para humiling ng interpreter:
    1. Tumawag sa 1-800-480-3287.
    2.  Piliin ang English.
    3. Piliin ang opsyong makipag-usap sa isang kinatawan.
    4. Humiling ng interpreter para sa Tagalog.
  • California Relay Service (711): Ibigay ang numero ng DI (1-800-480-3287) sa operator
  • TTY: 1-800-563-2441

Available ang mga kinatawan 8 a.m. hanggang 5 p.m. (Pacific time), Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga holiday ng estado (English lang).

Mahalaga: Ang SDI Online ay ang pinakamabilis na paraan para maghain at makakuha ng impormasyon tungkol sa iyong claim sa DI. Gamit ang SDI Online (English lang), puwede kang magtanong ng mga kumpidensyal na tanong tungkol sa iyong claim at makatanggap ng direktang sagot. Mula sa iyong home page:

  1. Piliin ang Claim ID ng iyong kasalukuyang claim.
  2. Piliin ang Humiling ng Update sa Claim sa seksyong Impormasyon ng Claim.
  3. Pumili ng Uri ng Kahilingan mula sa dropdown na menu at piliin ang Susunod.
  4. Idagdag ang iyong partikular na tanong sa iyong claim.

Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang Insurance sa Kapansanan (English lang).

Bayad na Pampamilyang Leave

Ang Bayad na Pampamilyang Leave (Paid Family Leave, PFL) ay nagbibigay ng mga benepisyong bayad sa mga taong kailangang lumiban sa trabaho para mangalaga sa isang miyembro ng pamilya na may malubhang sakit, para gumugol ng oras sa bagong anak, o lumahok sa isang kwalipikadong kaganapan dahil sa military deployment ng isang miyembro ng pamilya. Para matuto pa, bisitahin ang Bayad na Pampamilyang Leave (English lang).

Makakakita ka rito ng mga dokumentong nakasali sa Tagalog. Para makita ang mga dokumentong available sa ibang wika, bisitahin ang Bayad na Pampamilyang Leave – Mga Form at Publication (English lang).

Abiso sa Mga Empleyado (DE 1857A/T)
Tandaan: Kailangang  ipaskil ang poster na ito sa lugar ng trabaho ng mga empleyadong nasasaklawan ng Insurance sa Kawalan ng Trabaho at SDI.

Gabay para sa Pagsagot ng Form sa Claim para sa Mga Benepisyo sa Bayad na Pampamilyang Leave (PFL) (DE 2475/T)

Bayad na Pampamilyang Leave (DE 2511/T)
Tandaan: Inaatasan ang mga employer na magbigay ng brochure sa Bayad na Pampamilyang Leave sa mga bagong empleyado at mga taong hihiling na mag-leave para mag-alaga ng miyembro ng pamilya na may malubhang karamdaman o para gumugol ng oras kasama ang isang bagong anak. Puwedeng i-download at ibigay ang mga brochure na ito bilang mga opisyal na abiso sa mga empleyado.

Flyer sa Bayad na Pampamilyang Leave (DE 8519/T)

Para sa higit pang impormasyon at para sa isang listing ng mga lokasyon ng opisina, bisitahin ang Mga Lokasyon ng Opisina ng Insurance para sa Kapansanan ng Estado (State Disability Insurance Office Locations)(English lang).

Para makipag-ugnayan sa isang kinatawan ng PFL, gamitin ang Automated na System sa Impormasyon sa Telepono ng PFL (English lang):

  • Tagalog: 1-866-627-1569
  • English: 1-877-238-4373. Kung tatawagan mo ang English na linya ng telepono, puwede kang makipag-usap sa isang interpreter sa pamamagitan ng pagsunod sa mga sumusunod na hakbang:
    • Piliin ang English.
    • Piliin ang opsyong makipag-usap sa isang kinatawan.
    • Humiling ng interpreter para sa Tagalog.
  • California Relay Service (711): Ibigay ang numero ng PFL (1-877-238-4373) sa operator
  • TTY: 1-800-445-1312

Available ang mga kinatawan 8 a.m. hanggang 5 p.m. (Pacific time), Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga holiday ng estado (English lang).

Mahalaga: Puwede kang magtanong tungkol sa PFL sa pamamagitan ng pagbisita sa Tanungin ang EDD (English lang).

  1. Piliin ang kategoryang Bayad na Pampamilyang Leave.
  2. Piliin ang sub-category na Iba pang Tanong.
  3. Piliin ang paksang Iba pa (Mga Tanong).

Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang Bayad na Pampamilyang Leave (English lang).

Mga Sobrang Bayad sa Benepisyo

Ang sobrang bayad sa benepisyo ay ang pangongolekta ng benepisyo para sa pagkawala ng trabaho, kapansanan, o PFL na hindi ka kwalipikadong matanggap. Mahalagang ibalik ang mga sobrang bayad para maiwasan ang paniningil at legal na pagkilos. Gumawa ng myEDD account para ma-access ang Mga Serbisyo sa Sobrang Bayad sa Benepisyo, na isang madali at secure na paraan para mapamahalaan ang iyong sobrang bayad online.

Tandaan: Sa Ingles lang available ang Mga Serbisyo sa Sobrang Bayad sa Benepisyo.

Para sa higit pang impormasyon, bumisita sa Mga Sobrang Bayad at Multa sa Benepisyo (Ingles at Spanish lang).

Makipag-ugnayan sa Seksyon para sa Paniningil ng Sobrang Bayad sa Benepisyo sa 1-800-676-5737 (Ingles) sa mga karaniwang oras ng trabaho at humiling ng interpreter na nagsasalita ng Tagalog. Matutulungan ka namin sa:

Puwede ka ring bumisita sa Tanungin ang EDD para baguhin ang iyong address na padadalhan at numero ng telepono.

Available ang mga kinatawan 8 a.m. hanggang 5 p.m. (Pacific time), Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga holiday ng estado. Makakatulong ang aming mga bilingual na staff at vendor na magbigay ng mga serbisyo sa pagsasalin at serbisyo ng interpreter para sa mahigit 100 wika, nang walang bayad.

Mga Buwis sa Payroll

Pinapangasiwaan namin ang mga programa sa buwis sa payroll ng California at nagbibigay kami ng iba't ibang resource at gabay para tulungan ang mga employer. Para matuto pa, bisitahin ang Mga Buwis sa Payroll (English lang).

Sa ngayon ay wala kaming anumang dokumentong nakasalin sa Tagalog. Magbibigay kami ng mga nakasaling dokumento kapag naging available ang mga ito. Para makita ang mga dokumentong available sa ibang wika, bisitahin ang Mga Buwis sa Payroll – Mga Form at Publication (English lang).

Para makipag-ugnayan sa isang kinatawan sa Mga Buwis sa Payroll o para gamitin ang  Automated na System sa Impormasyon sa Telepono:

  • English: Tumawag sa 1-888-745-3886 at humiling ng interpreter para sa Tagalog.
  • California Relay Service (711): Ibigay ang numero ng Tulong sa Buwis sa Payroll (1-888-745-3886) sa operator
  • TTY: 1-800-547-9565

Para sa mga tanong tungkol sa labis na pagbabayad ng benepisyo, makipag-ugnayan sa Seksyong Koleksyon ng Labis na Pagbabayad ng Benepisyo (Benefit Overpayment Collection Section) sa 1-800-676-5737 (English lang) at humiling ng interpreter para sa Tagalog.

Available ang mga kinatawan 8 a.m. hanggang 5 p.m. (Pacific time), Lunes hanggang Biyernes, maliban sa mga holiday ng estado (English lang).

Para sa higit pang impormasyon at listing ng mga lokasyon ng opisina, bisitahin ang Makipag-ugnayan sa Mga Buwis sa Payroll (English lang). Bisitahin ang Locator ng Opisina (English lang) para makakita ng opisina sa buwis sa pagtatrabaho na malapit sa iyo.

Mga Trabaho at Pagsasanay

Sa pamamagitan ng lokasyon ng America's Job Center of CaliforniaSM, nagbibigay kami ng iba't ibang serbisyo sa trabaho at pagsasanay na nakakabenepisyo sa mga naghahanap ng trabaho, manggagawang natanggal sa trabaho, employer, at higit pa. Para matuto pa, bisitahin ang Mga Trabaho at Pagsasanay (English lang).

Sa ngayon ay wala kaming anumang dokumentong nakasalin sa Tagalog. Magbibigay kami ng mga nakasaling dokumento kapag naging available ang mga ito. Para makita ang mga dokumentong available sa ibang wika, bisitahin ang Mga Trabaho at Pagsasanay – Mga Form at Publication (English lang).

America’s Job Center of California

Bisitahin ang Locator ng Opisina (English lang) para makipag-ugnayan sa isang America’s Job Center of California na malapit sa iyo. Para sa pangkalahatang impormasyon sa mga serbisyo sa workforce:

  • English: Tumawag sa 1-916-654-7799 at humiling ng interpreter para sa Tagalog.
  • California Relay Service (711): Ibigay ang numero ng Mga Serbisyo sa Workforce (916-654-7799) sa operator

Para maghanap ng trabaho, maglista ng opening sa trabaho, at mag-browse ng iba pang online na serbisyo sa pagtatrabaho, bisitahin ang CalJOBSSM (English lang). Para sa tulong, tumawag sa CalJOBS sa 1-800-758-0398.

Impormasyon sa Labor Market

Para sa mga tanong, komento, o suhestyon sa impormasyon tungkol sa labor market:

  • English: Tumawag sa 916-262-2162 at humiling ng interpreter para sa Tagalog.
  • Fax para sa English: 916-651-5784
  • California Relay Service (711): Ibigay ang numero ng Impormasyon sa Labor Market (916-262-2162) sa operator

Tandaan: Nag-aalok kami ng mga serbisyo sa pagkonsulta sa labor market para tulungan ang mga partner at employer sa workforce na makahanap ng, magka-access sa, at magamit ang impormasyon at mga serbisyo sa labor market. Tingnan ang Mga Tagapayo sa Labor Market ayon sa County (PDF) (English lang) para sa listing sa telepono at email ng mga tagapayo sa Labor Market sa California.

Disclaimer sa Pagsasalin

Upang mas mahusay na mapaglingkuran ang aming mga tagapagsalita na may limitadong kasanayan sa Ingles, nakipartner kami sa isang pangatlong partido upang isalin ang aming nilalaman online sa webpage na ito. Bagaman layunin naming magkaroon ng ganap na tumpak na pagsasalin, maaaring magkaiba ang isinasaling bersyon at ang Ingles na bersyon ng aming mga dokumento. Ang mga Ingles na bersyon ng aming mga form at publikasyon ay mga legal na dokumento na may kapangyarihan ng Employment Development Department (EDD).

Para sa tulong sa iyong wika, nang libre, piliin ang isang link para sa programa ng benepisyo o serbisyo sa pahinang ito.

Ang Homepage ng EDD

Hindi nakasalin sa Tagalog ang aming website. Posibleng pumunta sa homepage ng EDD at gamitin ang  feature na Google TranslateSM sa ibaba ng homepage sa ilalim ng Pagsasalin.

Mahalaga: Ibinibigay ang feature na Google TranslateSM para lang sa pang-impormasyong layunin. Posibleng hindi eksakto ang mga pagsasalin. Gamitin ang mga ito bilang hindi eksaktong gabay. Hindi namin matitiyak ang katumpakan ng mga pagsasalin mula sa feature, at samakatuwid ay wala kaming pananagutan para sa anumang hindi tumpak na impormasyon o mga pagbabago sa pag-format ng page dahil sa paggamit nito. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Google Translate Disclaimer.